10 DRUG SUSPECTS SWAK SA SELDA SA QC | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
QCPD ARRESTED

10 DRUG SUSPECTS SWAK SA SELDA SA QC

ARESTADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, PCSupt Joselito T. Esquivel Jr. ang 10 drug suspects.

Una na rito ang pagkakaaresto ng mga tauhan ng La Loma Police Station (PS 1) sa ilalim ni PSupt. Camlon Nasdoman ang sus-pek na si Roberto San Juan, 48-anyos, ng No. 10 Binhagan St., Brgy. San Jose, bandang alas 10:00 ng gabi, Pebrero 10, sa A. Bonifacio Ave. corner Agodo St., Brgy. San Jose. Si San Juan ay kasaluku­yang nagmamaneho ng tricycle nang pahintuin sa isang Oplan Sita. Dahil sa kahina-hinalang kilos ng suspek agad itong kinapkapan at nakuhanan ng (2) sachets ng shabu.

Maging ang Masambong Police Station (PS 2) sa ilalim ni PSupt. Rodrigo Soriano ay nakahuli ng tatlo katao sa kanilang buy bust  ­operations sa Brgy. Paltok at nakuha mula sa mga suspek ang limang  pakete ng shabu at ang buy bust money na ginamit sa operasyon.

Nakaaresto rin ang mga tauhan ng Station 2  ng isang drug suspect habang ang Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ni Supt. Rossel Cejas ang nakadakip na isang binatilyo sa Brgy. San Agustin, Novaliches.

Sa Cubao Police Station (PS 7) naman sa ilalim ni Supt. Giovanni Hycenth Caliao ay naaresto ang isang dating drug surren-deree at isang babaeng drug suspect.

Gayundin, ang Anonas Police Station (PS 9)  sa ilalim ni PSupt. Cipriano Galanida ay naaresto ang  isang 18-anyos at isang Jessie Taguines, 33,  sa  Brgy. U.P Campus, bandang  12:30 ng madaling araw kahapon dahil din sa kaso ng droga. PAULA ANTOLIN

Please follow and like us:

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS