10 PAMILYA NASUNUGAN SA PASAY | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
sunog

10 PAMILYA NASUNUGAN SA PASAY

SAMPUNG pamilya ang nawalan ng tahanan nang matupok ang magkakatabing bahay sa lungsod ng Pasay.

Ayon sa Pasay Bureau of Fire Protection, naganap ang sunog sa Barangay 183 Villamor, at nagsimula ang sunog dakong alas-9:30 ng gabi at umabot sa ikatlong alarma.

Nagsimula umano ang apoy  sa isang bodega na nasa  ikatlong palapag ng bahay ng isang residente na nakilalang si Nicanor Sta. Ana.

Hinihinalang  loose at faulty wiring  umano ng koryente ang dahilan ng pagsiklab ng apoy na mabilis na kumalat sa mga kata-bing bahay.

Walang naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente na na­apula dakong alas-11:10 ng gabi.          BENJARDIE REYES

Please follow and like us:

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS