2K PULIS TINITIKTIKAN SA ILEGAL NA AKTIBIDAD | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
PULIS-10

2K PULIS TINITIKTIKAN SA ILEGAL NA AKTIBIDAD

PANGASINAN – DALAWANG ­LIBONG pulis ang under surveillance ng PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) kasunod ng ulat na sangkot ang mga ito  sa ilegal na gawain.

Ayon  kay PNP-CITF commander Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., ito ay kasunod ng pag-aresto sa isang pulis Mangaldan matapos ang paggamit ng nakaw na sasakyan mula sa budol-budol gang na kanilang naaresto.

Kalahati aniya sa nasabing bilang ay na-validate na at hinihintay na lamang nila ang tamang timing para mahuli sa akto ang mga ito at tuluyang maalis sa serbisyo.

Sa 30 taon na umano nito sa serbisyo, masasabi nito na ma­tagal na ang nasabing gawain ng mga pulis kung kaya’t ito ang tinututukan ng kanilang chief PNP at ng internal cleansing program ng pulisya.  PILIPINO Mirror Reportorial Team

 

 

 

Please follow and like us:

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS