ANG MGA PAGBABAGO SA MUNDO NG PAGGAWA | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
atty rojas

ANG MGA PAGBABAGO SA MUNDO NG PAGGAWA

ANG MGA persona­lidad na dumalo sa taunang World Economic Forum sa Davos, Switzerland ay nagpupulong upang pag-usapan ang mga mahahalagang isyung pandaigdig at para subukang hanapan ng solusyon ang mga problema ng mundo.

Isa sa mga bagay na tinalakay sa nasabing pulong ngayong taon ay ang hinaharap o kinabukasan ng mundo ng paggawa. Ano-ano ang mga pagbabagong maaaring maganap? Paano tayo maghahanda para sa mga ito? Ano ang mga magi­ging kalakaran sa kinabukasan? Ito ay ilan lamang sa mga tanong na kaila­ngang pag-isipan ng lahat.

Nais kong bigyang buod ang ilan sa mga mahahalagang pananaw o kaisipan na napag-usapan sa pulong tungkol pa rin sa bagay na ito. Sa m­ling salita, ito ay ang mga bagay na dapat pagnilayan ng lahat kung nais nating umunlad o umasenso sa kasalukuyan at sa darating pang panahon.

Ang unang kaisipan ay ibinahagi ni Jack Ma ng Alibaba. Ito ay may kinalaman sa paghahanap at pagtanggap ng mga empleyado sa isang organisasyon. Ayon kay Jack Ma, mahalagang hanapin at tanggapin ang taong mas matalino kaysa sa iyo (employer o amo). Mahalaga rin daw na sila ay may positibong pananaw sa buhay, hindi mahilig magreklamo, at hindi madaling sumuko. Ang unang patakaran umano ay ang pagtulong sa tao upang maging mas magaling kaysa sa iyo.

Si Muriel Penicaud ng bansang France ay naniniwalang dapat na piliin ng bawat isa ang kanya-kanyang programa ng pag-aaral o kasanayan na nais niyang pagtuunan ng pansin sapagkat ang pagpili sa direksiyong tatahakin ay pagpili na rin sa uri ng kinabukasan na haharapin sa buhay. Ka­yat mahalaga umano na mamuhunan sa ganitong uri ng pagsasanay at pag-aaral upang makinabang ang lahat. (ITUTULOY)

Please follow and like us:

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS