APPROVAL AT TRUST RATINGS NI PANGULONG DUTERTE | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
alex santos

APPROVAL AT TRUST RATINGS NI PANGULONG DUTERTE

SA KABILA  ng pambabatikos ng kanyang mga kritiko, hindi pa rin natinag ang napakataas na approval at trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakamit kasi ng Presidente ang pinakamataas na grado—81 percent approval rating sa Pulse Asia survey—na ginawa sa pagitan ng December 14 at 21, 2018 o pagtaas ng 6 percentage points mula sa  kanyang 75 percent mark noong September 2018.

Nalasap naman ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang pinakamababa kasunod ng lumabas na sarbey.

Malaking sampal ito sa mga kalaban ng gobyernong Duterte na walang ibang ginagawa kundi ang maghanap ng butas upang mapilayan ang kanyang liderato.

Kung matatandaan, noong nakalipas na buwan ng 2018 ay nasa 76 percent ang trust rating ni Pangulong Duterte, mas mataas ng 4 percent noong third quarter.

Bagama’t mababa ang trust and approval ratings niya sa Metro Manila, halos perfect scores naman ang nasikwat sa buong Mindanao ni Pangulong Duterte, ang kauna-unahang Mindanaoan na punong ehekutibo.

Kakaibang approach ang ginagawa ng Presidente sa mga problema ng bayan.

Ibang klaseng Pa­ngulo ang mayroon tayo sa kasalukuyan na walang kiyeme at talagang sinasabi niya kung ano ang kanyang gustong sabihin kahit sino pa ang masasagasaan.

Kahit nga ang mga kurakot niyang kaalyado ay hindi sinasanto ng Pangulong Duterte at maging ang mga opisyal ng Commission on Audit (COA) na pinaniniwalaang sangkot sa katiwalian.

Mahirap ding awatin ang ating Presidente pagdating sa isyu laban sa mga obispo ng Simbahang Katolika na hinihinalang pulpito sa pag-atake sa kanyang administrasyon.

At kahit sinisira ang kanyang liderato, tuloy lang sa pagtatrabaho ang ating Pangulo na labis na ikinatutuwa ng taumbayan.

Kaya nga, laitin man o atakihin ng kanyang mga nagmamalinis na kritiko at ng mga taga- oposisyon, wala itong epekto at mas lalo pang napamamahal sa sambayanan at higit pang tumataas ang approval at trust ratings ng dating Davao City mayor.

Bunsod ng mataas na ratings ng Pangulong Duterte, kitang-kita ang tiwala ng mga tao sa kanya na napakahalagang bagay sa isang lider para lalo pa itong ganahang magtrabaho at lalo pang pagbutihin ang serbisyo sa kanyang mga nasasakupan.

Tunay ring kapareha talaga ng isang epektibong pamahalaan ang pagtitiwala ng tao.

Kaya kung magpapatuloy ang ganitong tambalan ng taumbayan at ng gobyerno ay masasabing mapapagtagumpayan ang anumang programang kapwa nila ginugusto, isinusulong at sinusuportahan.

Mukhang natutuwa nga ang halos 100% ng mga Pinoy sa nakikitang pagtupad ni Pangulong Duterte sa kanyang campaign promises.

Please follow and like us:

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS