BF NG DALAGANG NAMATAY SA BISPERAS NG SINULOG KAKASUHAN | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
PARTY DRUGS-2

BF NG DALAGANG NAMATAY SA BISPERAS NG SINULOG KAKASUHAN

CEBU CITY – INIIMBITAHAN na ng awtoridad ang boyfriend ni Ashley Abad, ang 19-anyos, na namatay sa isang event sa bisperas ng Sinulog festival sa Cebu City.

Sakaling hindi aniya magpakita at magpaliwanag ang hindi pina­ngalanang lalaki ay posibleng kasuhan na ito.

Ang pagkaso ay kasunod ng kumpirmasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na base sa resulta ng autopsy ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory, nasawi ang dalaga dahil sa overdose ng party drug na ecstasy.

Ayon kay Chief Supt. Debold Sinas, director ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7), iniutos ni Pangulong Ro-drigo Duterte na kasuhan ang boyfriend ng dalaga.

Ang pagsasampa aniya ng kaso ay depende kung susunod ang boyfriend sa ilalabas nilang subpoena.

Kung hindi umano tutugon ang lalaki sa subpoena ay aarestuhin ito ng awtoridad.

Nag-collapse si Ashley habang ito ay nasa isang music and arts festival sa bisperas ng Sinulog Festival noong Enero 19. AIMEE ANOC

Please follow and like us:

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS