‘KABIRBOY’ NG MISAMIS OCCIDENTAL | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
warzone-2

‘KABIRBOY’ NG MISAMIS OCCIDENTAL

KUNG hindi gagana ang tinatawag na ‘backing’ sa kultura ng eleksiyon  sa Misamis Occidental, malamang babaha ang boto sa mid-term election para sa tinaguriang ‘Kabirboy’  ng naturang probinsiya. Si Kabirboy ay walang iba kundi ang nagbabalik na gobernador ng lalawigan na si Loreto Leo Ocampos, na naging congressman din sa nasabing lalawigan.

Ang backing, ayon sa mga taga-Misamis Occidental, ay vote buying. Simple lang ang ibig sabihin, mangangako si politiko ng P5,000 sa isang botante, bago ang eleksiyon  ay magpapauna na ng P500 at kapag nanalo si politiko ay isusunod umano nito na ibigay ang huling P4,500. Kaya minsan daw ay ­singhaba ng trapik sa EDSA ang pila sa bahay ng isang politiko pagkatapos ng eleksiyon. ‘Yung iba naman ay sarado na ang bahay kapag nanalo sa eleksiyon. Buhay nga naman.

Pero mukhang ‘di pa rin natututo ang ilan sa mamamayan ng Misamis Occidental pagdating sa backing o vote buying. E, dapat nang mawala ‘yan!

Ano naman ang kabirboy? Tatak na pala ni Gov. Ocampos ang bansag na ‘yan dahil sa malawakang proyekto nito noon sa chicken dis­persal o pagpapamud­mod ng mga alagang manok para sa pangkabuhayan ng mamamayan ng probinsiya. Tumatak sa kaisipan ng mga taga-Misamis Occidental ang bansag na kabirboy (kabir: manok) sa kanya. Kaya sa naturang pro­binsiya, may total recall ang mamamayan kapag sinabing si Kabirboy, alam na nila na si Ocampos.

Dahil malakas sa tao, todo paninira ang propaganda ng kanyang mga kalaban sa politika gaya ng ikinaso sa kanya na malversation na ka­makailan ay ibinasura ng Sandiganbayan 6th Division.

Ibinasura ng korte ang kaso dahil walang ebidensiya, ibig sabihin, sabi nga ni Kabirboy, politically-motivated ito.

Pero ang mas interesado ako ay ang  reaksiyon ni Kabirboy nang malaman na ang kita mula sa Small Town Lottery (STL) ay malaki ang naiaambag sa Charity Fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Lalo na nang malaman niya na may share ang probinsiya, munisipyo, distrito at maski na ang pulisya mula sa kita ng STL.

“Puwedeng gamitin ng local government units ang share na ‘yan mula sa STL para ipambili ng gamot at makabagong kagamitan ng ating mga pampublikong ospital para sa ating mga kababayan dito sa probinsiya. Dapat may PCSO branch office din dito sa Misamis Occidental,” sambit ng gobernador nang makuwento ko sa kanya ang hinggil sa mga programa ng PCSO para sa kalusugan ng mamamayan at samu’t saring serbisyong kawanggawa ng ahensiya.

Well, kung papalarin muli si Kabirboy na ma­kabalik sa kapitolyo ng probinsiya ay ipaaalala natin ito sa kanya upang sa gayon ay  makapaglagay ng PCSO branch office sa lalawigan.

Tamang-tama ito sa sinasabi ni PCSO General Manager Alexander ‘Mandirigma’ Balutan na “Bring PCSO closer to the people” sa pamamagitan ng pagtatayo  ng branch office nito sa lahat ng probinsiya.

Gaya ni Mandirigma, palagay ko itong si Kabirboy ay mayroon din nito, he walks the talk. Gaya ni Mandirigma, itong si Kabirboy ay naniniwala sa kasabihang leadership by example.

oOo

Email: fetad@yahoo.com

Please follow and like us:

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS