MEGAN YOUNG AT MIKAEL DAEZ NAAADIK SA VIDEO GAMES | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
MIKAEL DAEZ AT MEGAN YOUNG

MEGAN YOUNG AT MIKAEL DAEZ NAAADIK SA VIDEO GAMES

SINORPRESA ng Kapuso actor na si Mikael Daez ang kanyang dyowang si Megan Young ng isang the pointiPadPro na kanyang ini-share sa kanyang social media account.

Wala namang pagsidlan sa kasiyahan ang dating Ms. World 2013 sa regalong natanggap niya sa kasintahang actor.

Hirit ni Mikael: “You may all have noticed that my life with @meganbata has taken a serious turn towards the gaming lifestyle. As such, I fully support the change and decided to take matters into my own hands by getting her a gorgeous iPad Pro to play her games on. It was a simple surprise but I found her reaction to be an even bigger shock,” aniya.

Fond si Mikael sa video games at sa huling tsika, naimpluwensiyahan na rin nito ang actress turned beauty queen dahil balitang tulad niya, naaadik na rin ito sa computer games.

BG FILMS BIG BOSS BABY GO, MAGPOPRODYUS NA RIN NG CONCERT

BABY GOKILALA ang  Queen of Independent Films na si Ms.Baby Go sa pagtulong sa kawanggawa. bukod sa paggawa ng mga indie films.

Katunayan, ito ang dahilan kaya niya itinayo ang PC Good Hearts Foundation.

Sa pamamagitan ng kanyang foundation, ma­raming  nangangailangan ang natutulungan niya sa kanyang mga medical mission at special projects. Gayunpaman, ni­linaw ng butihing producer na wala sa balak niya ang tumakbo sa politika kaya siya tumutulong.

“Masaya na ako na marami akong natutulungan sa showbiz at nabibigyan ng trabaho,” aniya.

Dagdag pa niya, malaki ang utang niya sa indie films dahil naging instrumento raw ito para makilala siya at ang kanyang misyon sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Dahil sa mga pelikulang ginagawa ko, nakarating ako sa iba’t ibang bansa kaya malaki ang utang ko sa showbiz,” paliwanag niya.

Masaya rin siya dahil patuloy na lumalaki ang kanyang BG Family.

“May magazine publication tayo at mayroong PC Good Hearts Foundation, kaya mas inspired ako na lumalaki ang BG Family,” aniya.

Bukod sa paggawa ng quality at award-winning movies at sa kanyang print publication, pinasok na rin niya ang pagpoprodyus ng concert.

“First major project namin iyong concert ni Michael Buble. Gaga­napin siya sa Smart Ara­neta Coliseum sa  April,” pagbabahagi niya.

Please follow and like us:

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS