METRO COPS PUSPUSAN SA PREPARASYON | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
Chief-Supt-Guillermo-Eleazar

METRO COPS PUSPUSAN SA PREPARASYON

TAGUIG CITY – BINUBUSISI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Director Guillermo Eleazar ang kanilang ila­latag na seguridad para sa pag-uumpisa bukas ng election period sa Metro Manila bukas, Pebrero 12,  gayundin ang pagdagsa ng tao sa mga public place para naman sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso o Valentine’s day sa Pebrero 14.

Sa isang  panayam sa programang panradyo, sinabi ni Eleazar na bagaman walang election hotspot sa Metro Manila, mahigpit pa rin ang kanilang pagbabantay para matiyak na magkakaroon ng maayos at mapayapang halalan sa Mayo.

Ang pahayag ng heneral ay kasunod ng unang napaulat dito sa PILIPINO Mirror na ligtas pagdausan ang Metro Manila ng eleksiyon.

Gayunman, ang pagpaslang naman kay Brgy. Bagong Silangan, Quezon City Capt. Crisell Beltran noong Ene­ro 30 ay isolated case lamang at mabilis namang natukoy ang killer nito.

Panawagan naman ni Eleazar sa publiko na makipagtulungan sa pulisya at sumunod na lamang sa mga ginagawang paghihigpit at pagdidisiplina upang maiwasan ang hindi pagkakasunduan. ROSE LARA

Please follow and like us:

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS