PINAY NURSE INSTANT MILYONARYO SA DUBAI | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
DIRHAMS

PINAY NURSE INSTANT MILYONARYO SA DUBAI

UNITED ARAB EMIRATES – WALANG pagsidlan ang kasiyahan ng isang Filipino nurse nang manalo ito ng Dh100,000 o katumbas ng P1.4 million mula sa isang mall.

Ang pa-raffle ay bahagi ng pagdiriwang ng Dubai Shopping Festival (DSF).

Batay sa pahayagang Gulf News, nagwagi si Angela Mortos, Pinay nurse na naka-base sa Dubai.

Nakasali si Mortos sa contest na Million Dirham Wheel ng City Center Mirdif matapos siyang gumasta ng Dh2,000 (P28,000) na halaga sa kaniyang pamimili.

Mismong si Mortos ang nagpaikot ng raffle wheel kung saan nakasulat ang halaga ng kaniyang mga mapapanalunan.

Ayon kay Mortos, paglalaanan niya ng kaniyang napanalunan ang pag-aayos ng libi­ngan ng kaniyang magulang na pumanaw 10 taon na ang nakararaan.

Gusto rin ni Mortos na balatuhan ang janitor na nakatalaga sa gusali na kaniyang tinutuluyan sa Dubai dahil sa pagi­ging mabait nito. EUNICE C.

Please follow and like us:

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS