PULIS NA SINABUYAN NG TAHO PINARANGALAN | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
PO1 William Cristobal

PULIS NA SINABUYAN NG TAHO PINARANGALAN

CAMP CRAME – KINILALA ang pagi­ging madiplomasya at matimpiin ng pulis na sinabuyan ng taho ng Chinese student.

Kahapon makaraan ang flag raising ceremony sa national headquarters ng Philippine National Police (PNP) ay binigyan ng parangal si PO1 William Cristobal.

Si Cristobal ay sinabuyan ng taho ng babaeng Chinese student sa MRT Boni Station noong Sabado.

Mismong si PNP Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde at dating Special Assistant to the President at Honorary Chair ng Chiefs of Police Association of the Philippines Cristopher Bong Go ang nagsabit ng Medal of Commendation kay PO1 William Cristobal.

Ayon sa PNP Chief, ipinagmamalaki nila si PO1 Cristobal dahil sa ipinakitang kahinahunan  sa kabila ng nangyaring pambabastos sa kaniya lalo pa’t ginawa ito ng isang dayuhan.

Pinatunayan lamang daw ni PO1 Cristobal na ang mga pulis ngayon ay pasensiyoso, mahinahon at mababang loob na humaharap sa anumang klase ng sitwasyon.

Sinabi naman ni  Cristobal, na sa kabila na  aminado siyang nanliit siya sa  ginawa sa kanya ni Jiale Zhang, pinili na lang niyang manahimik at hayaang maharap ito sa kaso. REA SARMIENTO/VERLIN RUIZ

 

 

Please follow and like us:

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS