RULES AT LOKAL NA BATAS DAPAT IGALANG – PNP | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
Director General Oscar Albayalde

RULES AT LOKAL NA BATAS DAPAT IGALANG – PNP

CAMP CRAME – UMAPELA si Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Oscar Albayalde sa mga dayuhan at mga bibisita sa bansa na galangin ang mga lokal na batas.

Ginawa ang pahayag ni Albayalde kasunod ng pagsaboy ng taho ng  23-anyos na Chinese student sa pulis na naka-destino sa MRT -3 Bonifacio Station sa Mandaluyong noong Sabado ng umaga.

Ito ay nang hindi pahintulutan ng mga security guard ang babaeng Tsino na ipasok sa tren ang kinakain nitong taho.

Sa halip na tumalima sa regulasyon ang Chinese student ay isinaboy nito ang taho kay PO1 William Cristobal.

Ayon kay Alba­yalde, hindi na dapat pang ­mangyari ang pambabastos sa awtoridad lalo na’t ginagampanan lamang ang traba-hao nito.

Babala ni Albayalde, hindi mag-aatubili ang PNP na ipatupad ang buong puwersa ng batas laban sa mga dayuhan na lumalabag sa mga lokal na batas.

Ipinaalala rin ni Albayalde ang senaryo na ang Filipinong nasa abroad ay sumusunod sa batas sa mga regulasyon ng bansang kinaroroonan nila, kaya dapat ito rin ang gawin ng mga dayuhan sa Filipinas.

Sinabi naman ni ­Albayalde na ang pagbabawal sa mga likido sa MRT ay walang pinagkaiba sa pagbabawal nito sa mga airport, na bahagi ng security measures ­kontra terorismo kaya walang dahilan para hindi sumunod ang sinuman dito.

Samantala, nagpahayag ng paghanga ang PNP chief kay Cristobal na nagpamalas ng pro­pesyonalismo at pagtitimpi sa kabila ng pambabastos sa kanya ng Chinese national.

Ang Chinese na si Jiale Zhang ay sinampahan na ng kasong unjust vexation, assault at disobedience to agent of person in au-thority sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office kaugnay ng insidente. EUNICE C.

Please follow and like us:

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS