SEMIS BONUS SA EAGLETS | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
UAAP juniors basketball tournament

SEMIS BONUS SA EAGLETS

Mga laro sa Biyernes:

(Filoil Flying V Centre)

1 p.m. – NU vs AdU (Jrs Semis)

3 p.m. – Ateneo vs FEU (Jrs Semis)

KUMAWALA ang defending champion Ateneo sa second period sa likod ng twin towers nito upang durugin ang Adamson University, 72-59,  at kunin ang nalalabing insentibo sa Final Four sa UAAP Season 81 juniors basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Tumapos si Geo Chiu na may 18 points, 10 rebounds at 4 blocks, habang nagdagdag ang kanyang frontcourt partner na si Kai Sotto ng 17 points, 15 boards, 5 assists at 2 blocks para sa Blue Eaglets, na naitarak ang 42-26 kalamangan sa break at hindi na lumingon pa.

Nagtapos ang Ateneo, papasok sa Final Four na may six-game winning streak, sa ikalawang puwesto na may 11-3 record at makakaharap ang third-ranked Far Eastern University-Diliman sa Final Four sa Biyernes.

Ang iba pang semis pairing ay sa pagitan ng elims topnotcher National University at ng No. 4 Adamson.

Tangan ang  twice-to-beat advantages, kaila­ngan lamang talunin ng  Bullpups at Eaglets ang Baby Falcons at  Baby Tamaraws, ayon sa pagka-kasunod, ng isang beses para maisaayos ang Finals showdown.

Nakalikom si Gerry Abadiano ng 20 points at 4 assists habang nag-ambag si Terrence Fortea ng 16 points nang pataubin ng NU ang FEU-Diliman, 81-75, upang walisin ang second round at tumapos na may league-best 13-1 card.

Iskor:

Ateneo (72) — Chiu 18, Sotto 17, Diaz 10, Padrigao 6, Jaymalin 6, Fetalvero 6, David 5, Espinosa 2, De Ayre 2.

AdU (59) — Barcelona 14, Engbino 12, An. Doria 9, Sabandal 8, Ad. Doria 6, Hanapi 5, Prodigo 2, Tulabut 2.

QS: 22-16, 42-26, 58-42, 72-59.

Please follow and like us:

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS