STRONG TRADE RELATIONSHIPS UNDER MY WATCH  – EU AMB JESSEN | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
AMBASSADOR FRANZ JESSEN

STRONG TRADE RELATIONSHIPS UNDER MY WATCH  – EU AMB JESSEN

(Special Report ni EUNICE CALMA-CELARIO)

MAKATI CITY – TINIYAK ni European Union (EU)  Ambassador Franz Jessen na sisikapin nilang mapaganda ang relasyon sa Filipinas gayundin sa mga bilateral trade.

Sa kanyang pagdalo sa BusinessMirror (BM) Coffee Club na itinataguyod ng Aliw Media sa pangunguna ni BM Publisher  T. Anthony Cabangon, sinabi nitong sa loob ng halos tatlong taon niyang tour of duty sa Filipinas, ay kaniyang na-appreciate ang magagandang katangian at ugali ng Filipino.

Sa katunayan, ma­rami na silang naging hakbang na ginawa para alamin ang kultura ng Filipinas kagaya ng nilikha na Cine Eu-ropa, ang pinakamalaki na film festival sa bansa na nagdiwang ng kanilang ika-21 taon noong Set­yembre 2017 sa Cebu City.

Ang Cine Europa ay ipinagmalaki ni Jessen dahil nagkaroon ng tsansa ng palitan ng kultura ng Filipinas at mga bansang sakop ng EU.

Sa nasabing forum noong Pebrero 6,  ay nabanggit din ni Jessen na sa linggong ito ay magkakaroon sila ng isang programa para naman sa mga gurong nagtuturo sa mga maralitang lugar sa Metro Manila.

TRADE BENEFITS NG FILIPINAS SA ILALIM NG GENE­RALIZES

SCHEME OF PREFERENCES PLUS (GSP +) NG EU.

Magugunitang inihayag na ni Jessen na maaaring dagdagan ang GSP plus sa bansa su­balit nais nilang makita na nagagamit ito upang makamit ang zero duty o tax fee para sa  6,274 products na iniluluwas ng Filipinas sa mga bansang miyembro ng EU.

Kabilang sa mga produktong ine-export sa EU bloc ay mga agri-food.

“Around 25 percent of total Philippine exports to the EU benefits from the EU GSP+ trade preference particularly, agri-food products,” ayon kay Jessen.

BILATERAL TRADE TUMAAS

Sa record noong 2018, ang kabuuang ka­lakalan ng EU at Filipinas noong Enero hanggang Noyembre, ay umabot sa 14.2 bil-lion euro  na mas mataas kumpara sa 13.2 billion  sa kaparehong panahon noong 2017.

Sa nasabing panahon din noong 2018, lumago rin ang iniluwas na produkto ng Filipinas sa EU ng dalawang porsiyento o 7.2 billion euro habang ang inangkat ay lumaki rin ng 16 porsiyento o 7.01 billion euro sa loob ng 11 buwan.

Bukod sa mas mala­king GSP plus, umaasa rin si Jessen ng reversal ng decline sa foreign direct investment (FDIs) at kaniya ring hihikayatin ang European companies na mag-set up ng kanilang business operations sa Fi­lipinas.

Napag-usapan din sa forum ang posibilidad na dagdag na tourist arrivals mula EU sa Filipinas.

AMBASSADOR FRANZ JESSEN

Si Jessen na naitalaga sa Filipinas noong Setyembre 2015 makaraan ang kanyang tour of duty sa Vietnam ay may malawak na kara-nasan sa foreign relations, results oriented, may malalim na kaalaman sa East Asia, nagpamalas ng history of working with interna-tional affairs, may malakas na professional skills saForeign Affairs, Trade, Negotiations, Politics, Policy Analysis, Political Science, at maging sa pamahalaan lalo na sa cross cultural work.

Please follow and like us:

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS