VOLUNTEER DOCTORS KAILANGAN  PARA SA PAGBAKUNA KONTRA TIGDAS | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
VOLUNTEER DOCTORS

VOLUNTEER DOCTORS KAILANGAN  PARA SA PAGBAKUNA KONTRA TIGDAS

NANGANGAILANGAN   ng volunteer doctors ang Philippine Red Cross  para  tumulong sa gagawing pagbakuna sa mga bata kontra  sa tigdas.

Sa pahayag ni Dr. Su­san Mercado, deputy secretary general ng Red Cross Center for Health and Humanitarian Action, maaring tumulong ang mga volunteer sa pamamahagi ng anti-measles vaccine at pagtatayo ng mga hospital tent.

Kailangan  din ang mga volunteer na nurses, midwives at maging ang ordinaryong sibilyan para sa logistics.

Maaring makipag-ugnayan ang mga nais mag-volunteer sa  te­lepono bilang 790-2300 o sa social media sa pamamagi-tan ng hash tag na #bantaytigdas.

Please follow and like us:

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS